Siguro hindi mabubuo ang kabataan ko kung wala si Angel.
At alam kong hindi rin mabubuo ang kabataan ko kung wala ang mga kalikutan at katarantaduhang pinaggagagawa naming dalawa. Tulad ng panahong yon noong naglilingkod pa sa amin si Ate Beng, ang katulong naming klepto na nagkaroon ng labing anim na boyfriend. Sabi nya. Meron din siyang karibal sa paramihan ng boyfriend, si Ate Rona. Kaya walang nagtataka kung bakit laging nagtatarayan yung dalawang yun, palibhasa pareho sila ng ugali. (pero sa totoo lang, mas mabait si Ate Rona :3)
Laging wala si mama, at dahil madalas akong mag-isa, lagi akong tumatambay sa quarters ng mga ateng nag-aalaga sakin. Pag nagsawa ako sa kakadaldal, pagyayabang at pagtatalo ni Ate Beng at Ate Rona, sinusundo ako ni Angel. Hay salamat, sasabihin ko sa sarili ko. Ang dami ko nang utang dito sa bespren ko. Tapos maglalakad kami ng dalawang kanto para pumunta at maglaro sa malaking bakuran ng tita ko kung saan naghihintay sina Mary Anne, Hazel at Michael (ang una kong barkada).
Ayun, noong isang beses na nagkasundo ulit kaming magkita kita, nang puntahan nya ako, nakita nyang nagbabasa ako ng mga pribadong sulat ni Ate Beng. Eh kasi naman nakalapag lang sa kamang inuupuan ko nung oras na yun. At siyempre, dahil mga bata pa kami noon, malamang usyosero kami sa mga ganoong bagay. Natatawa nalang kami sa mga pinagsusulat nitong si Ate Beng (oo nga pala, yung sulat para dun sa ka love triangle nya kay Ate Rona, yung boy nila Tito John, si DonDon.) ; hindi ko na maalala lahat, pero meron siyang sinabi na may plano siyang lumayas dahil gusto na daw siyang pakasalan ng kasalukuyan nyang boyfriend na pulis. Meron din siyang nabanggit tungkol sa kakapalan ng mukha noong gagong Ronang yun, ang feeling nya, na mas marami pa daw ang mga lalaki kaysa kanya.
Ang lakas yata ng mga halakhak namin ni Angel habang pinaguusapan namin. Mamayang konti lumabas sa kwarto nya si Ate Rona. Hala mukang galit. Bahala sila, basta maglalaro muna kami.
Paghatid sa akin ni Angel sa bahay, aba'y nagsasabunutan na ang dalawa at may namamagitang lalake galing sa barangay.
Haaayy Anghel miss na kita.
Before Judgment Day
-
Defense is tomorrow.. oooohh scary. Will I pass or will I fail? Will I
revise or will I be able to present well? wish me luck!
For the industry! Awoo Awwoo...
15 years ago
1 comment:
Hahaha. Nakaka-aliw ka, Yvee! Masaya maging usyusero dati. Hahaha. Lalo na 'pag nag-uusap ang mga matatanda.
Post a Comment