sa aking pagkabata

may mga panahon na ninanais nating balikan ang ating nakaraan, ang ating pagkabata.

Sunday, June 22, 2008

takot aku..

takot ako noon..

-sa mga statwa ni jesus at ng mga santo (napapanginipan ko ang holy week at napapraning ako dahil mayroong parada ng higanteng mga statwa ng mga santo)

-kay mang ben, asawa s'ya ni aling nory, ang may pinakamalaking sari sari store noon dito sa ateros, wala naman sakin ginagawa si mang ben nagbibiro lang s'ya na kukunin n'ya ang baby namin (si kiko) basta tuwing s'ya ang kahero kapag bumili kami nagtatago ako sa ilalim ng counter

-sa aswang, di ko alam kung bakit, siguro dahil sa mga kwento ng mga kasambahay namin noon.. (yung isang kasambahay namin pinaiyak pa ng ate ko, dahil napabalitang may isang barko ng mga aswang na galing bisayas, kala namin aswang s'ya)

-kay boogyman.. sabi ni ate nagtatago daw yun sa loob ng cabinet..

-sa dilim kahit kaila'y di ako natulog na patay ang ilaw

-magpagupit dahil sa nasaktan ako kapag ginugupitan (weird)

-na paliguan ng erpats ko dahil nilalamutak ang mukha ko kapag hinihilamusan

Ikaw? san ka takot?

1 comment:

SpectacledUkayQueen said...

Hahaha. Takot ako sa sutsot ni Ate Elvie, 'yung dati naming Yaya. Takot din ako sa mga istatwa at du'n sa mga taong nagpipinitensiya. HAHAHA. Pati sa paputok. 'Yung mga 'yun 'yung nagpapatakbo sa akin sa ilalim ng kama. Masyadong masaklap lang at ngayo'y hindi na ako kasya. Hahahah.