sa aking pagkabata

may mga panahon na ninanais nating balikan ang ating nakaraan, ang ating pagkabata.

Tuesday, June 10, 2008

Konyat

Konyat, isang terminong ginagamit ng mga bata noong sinaunang panahon (di naman masyado). Sure ako na ang ibang makakabasa nito ay makaka-relate sa akin.

Ito ay ang parang tapyas sa trumpo, kung dati ay naglalaro kayo nito, at ngayon ay sadyang wala na akong nakikitang mga kabataang masayang masayang naglalaro ng trumpo. Yun bang mag-drodrowing ka ng bilog at isa pang bilog sa gitna dun sa kalsada o sa iskenita na pinaglalaruan niyo at kung saan magpapatagalan kayo ng iyong mga kalaro sa pagpapaikot ng trumpo ninyo, at kung sino man ang siyang unang sumuko ay malalagay sa 'inner circle' ang kanyang trumpo at siya ang 'taya'.

Ang rule dito ay dapat matamaan ang trumpo ng taya, at dapat ay ito'y maalis sa bilog at dapat ay makuha ng taya ang trumpo ng naka-tanggal dun sa inner circle. Kung hinde, konyat ang katapat nito sa sinomang di mapalad na mataya. At kapag ito naman ay nakuha ay sure na matataya ang nakapagtanggal dito.

Maraming versions ang laro na ito, nandiyan yung sisipaain mo yung trumpo mo kapag di ito natamaan at kukuhain mo yung trumpo ng kalaban para siya ang mataya.

Sa paglipas ng panahon, nawawala na ba ang mga larong pambata na ito? nasaan na ba ito? dahil ba sa teknolohiya kaya ba ito wala na o di kaya kakaunti na lang ang naglalaro nito? Naalala ko pa dati na pinipinturahan pa namin ang aming mga trumpo at/o di kaya'y nilalagyan ng thumbtacks ang ulo nito upang di ito ma-konyatan, at naalala ko pa na pinipili pa talaga namin ang 'de-kalidad' na trumpo, masigurado lamang ang matulin at matinis na pagikot nito sa lupa, pinipili pa namin ang tsate (chate), ito ay ang lubid na ginagamit upang mapaikot ang trumpo. At pinipili pa namin ang tansan na talagang sasakto sa lubid.

Naalala ko pa, dahil si mama ay di kami pinapayagang maglaro nito (sa pagkakatanda ko) at ito'y aking pinupuslit lamang at tinatago sa mga kabinet sa bahay. Naalala ko pa rin noon na ako at kasama ang aking mga kalaro na pumunta dun sa bilihan ng trumpo sa may 'taas' at dun ay sinasala naming mabuti ang 'de-kalidad' sa bulok na trumpo.

=======================================

Ito ang pinaka-una kong post para sa blog na ito. sana ay may mai-ambag din kayo. haha. salamat.

4 comments:

Anonymous said...

wheew! nakarating din!! hi bench! anlalim ng tagalog ah, di ko kaya yun. keep the chain of thoughts going! :D

bench said...

@yvee: di naman masyado. hahaha

Anonymous said...

Casinos in the UK - How to find good games - GrizzGo
So, 토토갤러리 에스뱅크 what do 토토 먹튀 we mean air jordan 18 retro yellow suede good website by “casinos 안전사이트 in the UK”? 룰렛 테이블 to find a casino and live casino games on a mobile phone device in 2021.

Anonymous said...

hi kamusta n kayo