sa aking pagkabata

may mga panahon na ninanais nating balikan ang ating nakaraan, ang ating pagkabata.

Thursday, June 19, 2008

puppy love's

mga crush ko nung ako'y nene pa!

grade 1- nakakahiya mang sbhn pero c gian at ken. mag bestfriend sila  
(tinalo nh lola mo)

grade 2- c gian padin. (kapatid nman ng aking kabarkada ngyn) ni gino!  
haha

grade 3- ayan na ang puppy love. c geron (sha ung unang lalaki na nag  
tanong skn kung pwede daw ba kme mgng mag gf bf) (binusted ko sha) haha

grade 4- cya pdn!:) pero mejo sumeseryoso na. pero ndi naging kme. MU  
plng uso nun. mejo naging crush ko dn c jr. first guy na katelebabad ko.

grade 5- eto madami na:D c geron pdn. mga frst sem un. ts mga 2nd sem  
c jeffrey na.. mejo nalihis na ang pagtingn ke geron. ayan lumlalandi  
na ako. inuumaga na sa telepono. pero walang nagyare samin. MU lng dn.

grade 6- madami dn. sobraaa c jeffrey pdn. haha c lex c denzel c mark  
c paz . pero naalala ko ang pinaka crush ko nun c marcwin. konting  
usap lng nya sakin. kinikilig nko! naalala ko pa nung nagpagupit ako  
ng buhok. nagalit pa sha bat daw ako nagpagupit! ts ung aniv ng school  
nmin sa picc. after nun nag dinner kme as group. ts MAGKATABI kme sa  
car. sbrang siksikan nmin pinagpapawisan n kme. at tinapat pa nya ung  
aircon sakin!:)) haha hangang grad na un nahihiya pa ako nung nag bow  
ako sa stage kse nsa tapat cla ng stage kse sec 2 sha. ts lht ng  
clasmmates nmin sumisigaw ng marcwin nung tinawag ung name ko! hahaha

pinakaexciting ung grade 6 k nu!
pag may nkabasa neto from school ko super nkakahiya!:) past is past

sec ko nung grade school.
  grade 1 & 2 sec 2
  grade 3 - 6  sec 5

first and recent love",)


high school naman

'ndi na per grade per boy na:)

-kulas, my uber crush nung first yr! dko lam bkt. pero tumibok tlga  
ang puso ko!:) haha patay n patay tlga ko sknya. guess what? walang  
nangyare. haha

-ervin,my frst boyfie. haha ndi ko alam na nagexist pla sha. nakilla  
ko lng sha nung ni kwento nung friend ko na crush daw nla sha. okay so  
nakilaa ko na. ts parang nging bestfriend kme ts nilalakad ko ata sha  
sa friend ko. pero kme nagkatuluyan! hahaha:) after ilang months the  
BREAK-UP na sumira ng finals ko. haha lagpak ata ako sa mga finals ko.

-may cyrille pa pla! younger ex bf. umbot kme ng 7 months pro sa 3rd  
plng gs2 kona makipag break. umiiyak lng.

-n that brings us to jerwyn. sayang un sbra! dhil ke cyrille ndi ngn  
kme. bngyan nya ko ng balloon and choc nung val days. kaya nalaman ko  
na gs2 nya ko!:) haha na kinakin nila jeffrey ung choc. yep the grade  
6 jeffrey.

-kenneth,katabing section nmin. tall dark & handsom!:) dream boy ika  
nga.

-mac,my x na pabalik balik. ayan na cya na. magkaaway kme at first.  
asar ako sknya sbra. pro nagpaparamdam n sha skn. galit n galit ako  
sknya dko lm bkit. nag start n ngustuhan ko sha sa ek!:) super sweet  
nya. grbe sha mag care. kaya nainlab ndn ako. pero bglang nagbago.

-c sonny boy,bad name i know. nkilala ko sa pampangga. friend ng mga  
lapids haha my longest crush ever! til now ata. may lugar na sha sa  
heart ko. mern pa to. ung ndi ko sha nkita for the longest time. nag  
henge pko ng sign ke lord kung para b kme sa isat isa. nawawalan nko  
ng hope nun. tpos umalis n kme. expecting na ndi kme meant to be.  
palabas n kme sa village nla. no hope na for me! then ung head lights  
ng car. tumapat sa inuman party ng barkada nya! n poof kita ko sha:)  
cguro ndi pa ngayn pero sa futre malay nyo.:D

-ice, super nice guy!:) jock ika nga nila! tinitilian ng mga babae.  
isa nko dun. inaaway ako ng mga friend niya. kse nilalandi ko daw.  
khit ndi.

-anthony ex, ngng classmate kme sa finals. kse ni tratrade ung boys  
from other class. ts un seatmate kme. ts nag papaturo sila mag chi. so  
sakin sila nagpapaturo. haha:) after nun ayun na:) sandali lng rin un.

-sa abs-cbn dlc na. for the longest time...kilala nyu na sha:) kung  
kilala nyo ko!:) haha

madami pako ndi nabangit! nkalimutn ko na ung iba chka wla mshadong  
stories.

alalaa ng pagkabata

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga
unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa
ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga
artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang
panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa
ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di
naman old fashioned. Saktong-sakto lang!
Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung
kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang
listahan na makapagpapatunay if you're one of us. R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,
Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung
ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog.
Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng
hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa
superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending
las ang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang
si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey
Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na
uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool
106"
hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo,
Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123,
Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik,
Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang
larong
nakakapagod.

6. Pumunta ang mga tag! a- MILO sa skul niyo at
namigay sila ng samples na nakalagay sa
plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice
cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng
MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na
naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka
maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang
bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball
bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang
kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag
play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong
HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!"
na kinakanta sa tono na parang doon sa
kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick
game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na
may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may
dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si
Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala
ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin
niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat
niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong
dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga
sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at
Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's
Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung
saan nagpapagandahan ng production numbers ang
Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa
Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance
nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy b ands tulad
ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical
Depression, The Teeth, The Youth, After
Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at
ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin
mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and
second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong.
Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng
sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong
"Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga
larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng
pustahan), saranggola at ang dakilang manika
niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with
you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan,
doktor-doktoran, at kung anu-ano pang
pagkukunwari .

ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat
ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni
Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may
walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil
masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na
kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing
umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers
a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng
mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di
yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng
Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi
ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang
ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng
pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya
kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng
gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero
kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin
ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa
panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan.
Di ba?"

Tuesday, June 17, 2008

Isang Dangkal.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lim-a. A-nim. Pi-to. Wa-lo. Si-yam. Sampu. Cha!

Ganyan magbilang ang mga batang may hawak ng dangkal-dangkal na text. Limang piso, dalawampu't limang piraso. Pero dun sa 25 piraso na yun, dapat may pamato at panabla ka na, para sure na ang iyong pagkapanalo at ang paglago ng iyong business. Ganyan dati, may kampihan pa nga eh, ang mga teks namin nun, dragon ball, mojacko, ghost fighter, pokemon, at kung anu-ano pang mga sikat na palabas na pambata at sa mga nagaastang bata. Dangkal-dangkal dati, maghahanap ka pa ng box na pwedeng paglagyan ng mga ito, o di kaya ay tanggalin ang laman ng drawer at dun ay ilalagay at aayusing mabuti ang mga ito.

Masaya maglaro ng teks, dati pa nga tanghaling tapat nasa labas ako ng bahay, dala-dala ang dangkal-dangkal na teks, tapos hahanap ng makakalaro/makakalaban at para palaguin ang teks ko. Kahit sino pwedeng kalabanin, kahit na mas bata sa akin. Yan ako dati, taong labas, pero di naman masyado. Kaya siguro ganito kulay ng balat ko ngayon. Haha.

Masaya maglaro ng teks, maraming variety din ito, merong maliliit na text (small), merong sakto lang (medium) at meron din namang parang playing cards na sa laki (large). Maraming paraan din ng paghahawak nito at pagpapaikot sa ere. Kaso nga lang di ko na matandaan ang tawag dito.

Cha! Chub! Cha! yes panalo ako! akin na yan! dagdag sa koleksyon ko! Mas mataas ang ikot, mas mataas ang tsansang manalo ka. Tama. Mananalo ka, depende kung gaano katigas o kalambot ang teks mo, kung ito ba ay malutong pa, o laspag na, dahil nga sa sobrang gamit na gamit na at yun lang ang alam mong pamato at dahil yun ang nagdadala sa iyon ng sankaterba't dangkal-dangkal na teks.

Siyempre, pag nananalo ka, manghihingi ng balato kalaban mo, nasa iyo na lang kung bibigyan mo. Natatalo din naman ako, at nauubos ang dangkal-dangkal kong teks, kasi mas malakas pamato ng kalaban ko, kakainis. Siyempre nasa taktika mo na rin yan kung gusto mo pa magtira ng para sa iyo. Lahat-lahat na pwera pamato, panabla, o di kaya lahat lahat na pati pamato panabla. Siyempre pag yung una ang itinaya mo, may matitira ka pang dalawang teks, at pag natalo ka, pwede mo pa yun itaya (ubusan ng teks to!!!) siyempre, pag nanalo ka ulit, dagdag dalawa na ulit hanggang sa lumago ulit yan, at hanggang sa matalo ka ulit. Yan, yan nga, ilang oras akong nasa labas ng bahay para lang mag laro nito. Wala pang kompyuter nun eh.

Minsan naman, magtataya ka depende sa dangkal. Tapos pag nanalo ka, pagtatabihin ang dalawang teks (isa sa iyo, tapos yung isa sa kalaban) tapos yun, hahanap ng patag na lugar para pag-kumpara at para malaman kung gaano karami makukuha mo sa kalaban! Yes, marami na ulit teks ko! kikita na ako niyan! wohooo.

OO, nagiging business namin ang teks, limang piso dalawang dangkal, may kasamang pamato. Yan nga yun. At pagkatapos magbentahan, lalabanan agad yung pinagbentahan, para makuha ulit yung teks na ibinenta, ganyan ang kalakaran dito. Ganyan ka-business minded mga bata dito nuon, ngayon, wala na, iba na kinahihiligan nila eh, ang pagsasayaw ng mga novelty songs, kompyuter at kung anu-ano pa. hay.

Siyempre, may iyakan blues din dito, pag natalo yung pinagbentahan, ayun iiyak na lang, o kaya pag natalo sa laban, iiyak, magsusumbong sa nanay, kami naman, aawayin sila, kampihan ito! haha, talo sila pag ganun, lalaban laban sila, tapos iiyak pag natalo, walang kwenta, haha. (siyempre mas bata sa akin ang napapaiyak ko 'no, mean)

Hay, namimiss ko na maglaro nito. Pramis! haha

Mga paboritong Family Computer games ko ay:

-Mario Brothers. <-Walang tatalo.
-Battle City. <-Walang tatalo sa Mommy ko. Hahahaha.
-Car Racing. <- ‘Yung may lumilipad na Superman!
-Bomber Man.
-‘Yung may mga ibon na iba’t ibang kulay at may mga itlog. Huhu. Nakalimutan ko ang pangalan.
-Pac Man
-‘Yung batang may palakol na dumadayo sa gubat para kumuha ng mga cherries, anon a nga ‘yon?

Kayo?

Anong mga laruan niyo noong mga bata pa kayo?

Akin:
Pog at slammer.
Polly Pocket. <- Paborito ko ang mga ito.
Barbie. <-Yuck.
Tamagochi.
Pictionary Jr. <- Masyadong komplikado sa edad ko, pero masaya kasi may libreng pang-kulay.
UNO (Stacko, Cards, Dominos, Madness)
Teks. <- Oo, pati ‘yan, pinatulan ko.
Trading cards. <- Oo, hindi laruan ‘yan. Pero, pa-cool ako, e. Merong mga tangke o iba-ibang klase ng
Sasakyan na pwede mong ipang-trade.
Game’N’Watch. <- Syempre, bago ang PSP at DS, mayroon niyan! Haha. Panalo ang Tetris!
Family Computer. <- Anong mga nilaro niyo du’n? (Syempre, ibang sulatin na naman ‘yun.)

Saturday, June 14, 2008

Power Rangers to the rescue!

==============================================================
note: ang mga kaganapan na ito ay nangyari ilang buwan na ang nakakaraan. January 13, 2008 to be exact. haha.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
nanaginip ako, di ko alam kung nightmare ba siya o suspense-thriller o kaya may hang-over pa ako sa napanood ko sa HBO (X-Men 3), pero kasi itong panaginip ko, eh parang ako ay isa sa mga heroes, siyempre bida naman ako dito. Di ko nga masyadong matandaan ang mga detalye ng aking panaginip eh, pero as far as I know, ito ang rundown ng mga kaganapan sa aking panaginip:

Ako ay isa sa mga 'rangers' dito sa panaginip ko, tapos parang may villain na humahabol sa amin (siyempre may kasama ako) at natatandaan ko ang names nila, sila ANA at si ANGELIQUE, tapos parang may ROBIE pa na ranger din at yung isa di na nagawang umeksena pa. Ayun na nga, nasa isang building kami kasama ang mga co-rangers ko, tapos hinahabol kami ng villain na gusto kami patayin, ang powers nung kalaban eh nakakalipad siya tapos parang si Octopus ng Spiderman, may kung anong bagay sa likod niya at nako-control niya ito, yun yung nangyayari, tapos nun, parang ala na ata kami powers nun, at kung saang sulok kami nagtatago para di kami mahanap, meron nga isang ranger na nagtago dun sa may parang chimney, tapos pilit niya pinagkakasya sarili niya, tapos naman ako, kasama ko si Ana at nagtatago kami dun sa villain na gustong pumatay sa amin. Tapos ayun na, yung weapon (kung yun yung tawag dun) nung kalaban eh malapit na kami mahanap at mapatay, tapos...

nagising na lang ako na humihingal hingal at di ko alam kung bakit (nadala ako ng eksena), ang ginawa ko na lang ay chineck kung anong oras na at nagnote na lang sa phone ko kung ano yung pangalan ng mga co-rangers ko at natulog ulit, inisip ko pa nga na balikan yung panaginip ko pero wala na eh, di na ako nakabalik sa kwento.

---------------------------------------------------------------------------------

So yan na nga. Naalala niyo pa ba kung sino kayo sa mga rangers dati o kaya hanggang ngayon? Basta ako si Blue Ranger dati, pero siyempre paiba-iba na, dati pa nga gusto ko si white ranger eh, tapos naging si green ranger tapos naging si red ranger, basta depende sa powers nila. Ayun lang.

Ewan ko nga ba. Bakit kaya sobrang naging hitik nitong mga shows na ito sa mga bata, at batang isip, siguro dahil sa mga malilikot na imahinasyon ng mga bata noon at ngayon, at siyempre sa mga teens din (di ba? :D) tapos marami pang nagsisisulputang iba pang mga rangers wannabe.

We need a hero, kailangan naman talaga natin yan sa buhay natin, para mainspire, para matulungan tayo. Siyempre heroes din tayo in our own way (naeexcite na ako mapanuod ulit ang heroes season 3, balita ko okay na okay daw eh). Tapos yun na nga, kahit nga ako eh, nananaginip pa ng mga ganyang bagay, di ba naman ako batang isip, tsaka wala namang masama dun eh, nananaginip lang naman ako at nadala lang talaga ako ng pinanuod ko, di ba minsan ganun kayo? yun bang pag may napanuod niyo ito, dala niyo ito hanggang sa pagtulog niyo, walang masamang mangarap at mag-ilusyon.

Nuong ako ay bata, sobrang hilig ko manuod ng mga super sentai shows, minsan pa nga nakipag-away pa ako sa pinsan ko eh, siyempre ako nanalo! hahaha, ayun walk-out siya, akyat siya sa second floor ng bahay at nag-kulong sa kwarto, syempre bata, at para din naman may mai-ambag ako sa mga kalaro ko at di naman ako ma-out-of-place sa mga usapan nila di ba. Minsan pa nga bumibili or nagpapabili pa tayo ng mga may kinalaman dito (teks, relos, notebooks, pencil case etc.) tapos masisira din naman agad, hanggang dun na lang ang termino nila sa atin, kailangan ng palitan ulit kasi nga may bago na namang 'craze' mas malakas, at mas maganda yung special effects. Ewan ko nga ba, matagal na panahon na iyon, pero mas maganda pa effect kesa sa ibang 'remakes' ng mga ito ngayon (may natatamaan ba ako? haha), yun na nga.

Maraming mga shows nung bata pa tayo na ngayon ay wala na sa sirkulasyon, meron pa rin na ilan na nagagawa pang lumabas sa tv pero sila yung mga bagong versions nito, meaning new generations, katulad ng power rangers, meron ng spd, meron ng mystic force, meron ding dino thunders, di ba? ayos yun, tapos marami pang iba.

Hay. Ang sarap balikan ng mga panahong iyon. Ngayon kasi iba na ang dapat alalahanin, iba na ang dapat panuorin, di tulad nung bata ka, basta 'in' dun ka, wala kang pakialam sa ibang shows. Nuon, dun lang ako sa tapat ng tv, wala akong pakialam sa remote, basta yung channel na yun, pinapalabas yung favorite show ko, oks na yun sa akin, di na ako maglilipat pa, pero kasi ngayon, iba na ang 'taste' ko eh. haha. Pero tuwing sabado, pag napaaga gising ko, nanunuod pa din ako. hahahaha. Tapos minsan naman, dun ako sa animax, hero tv, kasi nanduon din yung mga favorite cartoons ko eh (zenki! badjulaong! wahaha- pero ibang entry na ito). ayun. Napahaba ata kwento ko ah.

So, Sino kayo sa mga Rangers??? :D

Thursday, June 12, 2008

Hah. Mabuhay ka, mumunting kaibigan.

(:

Matabang singkit, tukso nang lahat.
Namulat sa katotohanan sa maagang edad.
Nagpakasasa sa kamunduhan, ika nila.

Sa dami ng mga pangyayari noong ako'y mumunting biik, mahirap pasukin ang landas na aking tinahak, ngunit sa pamamagitan ng aking mga sulatin naway makilala ninyo ang abang lingkod.

Wednesday, June 11, 2008

Unang araw ng pasukan.

Disclaimer: kung ayaw niyong basahin ang ganito kahabang entry, di wag, walang pumipilit.

Elementary.
GRADE 1. Limang taong gulang pa lamang ako ng ako'y nag-grade 1, Ito ang mga panahon na dapat ay aking ninanamnam ang pagiging bata at nakikipaglaro sa ibang mga bata na kasing edad ko. Ngunit hindi, duon ako nakaupo sa isang silya na pinaglumaan na ng panahon, isang silya kung saan ay nandun nakaukit ang mga pangarap ng isang estudyanteng umupo duon bago pa man ako. Isang silya na kung saan ay natuto akong sumulat, magdrowing, magbasa at mag-aritmetik. Dito, nahubog ko ang aking pangarap, ang aking mundo.
Unang araw ng klase, bagong damit, bagong sapatos, bagong relos, bagong bag, lahat ay bago. Kasama ko si mama na inihatid ako sa building kung saan ay dun ko matututunan ang unang hakbang sa pag-abot ng aking pangarap. Nuong una, ako'y kahit papaano'y takot pa, di ko alam kung anong gagawin ko, kung ano ba talaga ang ginagawa ko duon. Iniwan ako ni mama, inihabilin sa guro na maghuhubog ng mga pangarap namin. Bagama't ako'y bata pa nuon, sariwa pa sa akin ang mga pangyayaring tumatak sa aking puso't isipan. Ang mga misteryo sa iskwelahan na aking pinasukan, ang mga 'multo', ang pinanggalingan nito, at kung anu-ano pang maaring gawa ng iilang kabataang may malilikot na imahinasyon. Teka muna, bakit ba ako nakapasok sa paaralang ito? bakit nga ba?
Natatandaan ko pa nuon, nakasakay kami sa jeep, binabagtas ang Katipunan kung saan nandun, matayog na matayog ang mga paaralang di ko pa alam kung ano ba talaga iyon. Nagtungo kami sa isang iskool, UPIS, tama, yun nga iyon, duon dapat ako magaaral, nagtest ako, nakapasa (daw) ako (dahil di ko na matandaan ang parteng ito), ngunit ang edad ko ang di nakapasa, masyado daw akong bata para maging Grade 1, tama, yun nga iyon. Dahil bago pa lang kami sa aming lugar, wala pang alam si mama, buti na lamang, nakita niya at nahanap niya ang kanyang 'bestfriend', siya, siya ang nagturo at nagrekomenda sa paaralang iyon. Ito'y isang pampublikong paaralan, ipinangalan ito sa isang 'byuti kween', tama, dun nga. Pura V. Kalaw Elementary School, yan, diyan ko hinubog ang aking mga pangarap.
Masaklap, masaya, napaka-saya, yan ang aking masasabi sa anim na taong pamamalagi ko bilang isang estudyante ng paaralang ito. Dito, napagalitan ako ng mga guro, dito nautusan akong magdilig, magtanim ng palay, mag-sunog ng basura, magbunot at magsunog ng mga damo, mag-pako (yung magbubungkal ng lupa), mang-huli ng tutubi, mag-agawan base, patintero, magtanggal ng mga kuhol at suso, magbunot, magwalis, mag-floor wax, mag-mop, at kung anu-ano pang 'livelihood' projects na kanilang pinapagawa. Oo nga naman, di ako ligtas sa mga ganito, dahil nga naman ito ay isang public school, dito ko din nakuha ang unang award ko sa larangan ng arts, ginuhit ko lang naman ay ang building kung saan namamalagi ang mga grade 5 at 6, ginuhit ko siya, at mapalad naman ako'y nanalo. Ay oo nga pala, rumampa din pala ako sa United Nations Month, grade 1 ako nun, ako si Aladin, oo na, dati kasi maputi pa ako (walang kokontra, may pruweba ako), ayun ni-represent ko lang naman yung section samapaguita namin. haha. At dito din ako natutong mag-ballroom, oo na, ballroom, pero naman, may kinahinatnan naman ito (grade 4 ako). At yun na. At naging-treasurer pala ako nuon, no wonder, kasi ganito yun, ang pagkakatanda ko, umayaw yung nakakuha ng pwesto ng treasurer, ayun, ako napiling kapalit. At ito pa, haha, top notcher ako nun, grade 1-3, nung grade 3 ako naging top 1 pa ako, tapos natapos lang yun nung lumipat ako sa SMC (science-math class), ito yung cream-of-the-crop (tama ba?) na section, star section for short.
ito yung mga sections ko nuon
Grade 1 Sampaguita
Grade 2 Grapes
Grade 3 Bonifacio
Grade 4 Mayon?
Grade 5 Pearl?
Grade 6 Venus

HIGHSCHOOL.

Unang araw ng klase, maliit ako, oo na, ang polo ko nuon ay para ng daster ng nanay ko sa laki, tapos mataba pa ako nun (chubby), unang araw, sa Roosevelt College Quirino (wala na siya ngayon.), at dahil nga sa mga grades ko, sa star section na naman ako, haha, yabang 'no? Pinapunta pa ako ng nanay ko sa Guidance, kasi nga, para di ako mawala (hello? maliit lang kaya yun school) at yun nga, dun lang ako namalagi hanggang sa mag-ring ang bell at hudyat na nga ng pagsisimula ng klase, hapon ang pasok ko, 12 nagsisimula, so no need na para sa flag raising ceremony, yun, pakilala, saan galing, at kung ano ano pa. yun na yun. Dito, ako'y kinagigiliwan ng mga higher batch, dahil nga naman sa liit ko, at sa pagka-chubby ko noon at kalbo pa ako noon ah, nanay ko kasi eh. Ayun nga, dahil nga sa aking charm (walang kokontra ulit) ako'y napiling 'florante' ng mga second year, biruin mo? at yun nga, kasama ako sa mga praktis, at kung ano-ano pa, pero masaya naman siya, at maganda naman ang kinalabasan ng play namin. Dito naman, maraming mga seminars at livelihood projects, at kung anu-ano pa. Sumasali din ako sa mga art contest at pinapalad namang di manalo. ito na yun, 'yaw ko na pahabain pa.

Sections ko;
1st year Sampaguita (ulit?) ?
2nd year Molave?
3rd year Makiling ?
4th year Rizal

COLLEGE:

Unang pagkakataon na ako'y maglalakbay ng napakahaba (dati kasi, isang trike lang, solve na ako, lapit lang ng schools ko sa bahay eh), Tricycle papuntang hi-top, lakad, lrt2, pedicab, at yun na, ang pinakamamahal kong Beato, ang UST, dahil nga sa aking katangkaran, di ako agad nakakuha ng damit, kaya iba ang outfit ko sa karamihan na naka-uniform, umu-order pa ng xs na polo, ayun. Pakilala dito, pakilala duon, yun ang naging siste, buti na lang, may nakilala na ako bago pa man ang pagbubukas ng klase, ay oo nga pala, as usual, nagkaroon ng Mass, yun lang, uwian na ulit. Yan ang first day ko sa UST. haha.

Fast-forward tayo, fourth year na kami, ang iba, di ko na nakikita at di ko na matandaan ang itsura o di kaya'y pangalan, June 11, 2008, ito na ang last first day ko bilang estudyante ng fine arts sa UST, masaya, malungkot, halo-halong emosyon, first day ko pa lang, late na naman ako, as in, tumakbo pa ako papalabas ng bahay, 11 am ang pasok, 11 am din ako umalis ng bahay, sa beato na, nakita ko si karla at kuya matt, sabi si sir daw ang prof! oh no! takbo!!! buti na lang, di siya nag-check ng attendance, at nag-talk lang siya about what is our subject is all about (wow english), na-inspire nga ako na maglipat ng thesis, pero wag na. Ayun, maraming bagong mukha, pero sakto lang. Sandali lang naman at pina-alis na kami, pero 4 pa ulit, 12 pa lang, saan na? eh di sa San Lazaro, magpalamig, yun. Hay, ito na talaga. Ito na. Kaya 'to! :D


Kwento naman kayo oh! Di ba kayo dumaan sa pagkabata? weh? haha

Tuesday, June 10, 2008

Konyat

Konyat, isang terminong ginagamit ng mga bata noong sinaunang panahon (di naman masyado). Sure ako na ang ibang makakabasa nito ay makaka-relate sa akin.

Ito ay ang parang tapyas sa trumpo, kung dati ay naglalaro kayo nito, at ngayon ay sadyang wala na akong nakikitang mga kabataang masayang masayang naglalaro ng trumpo. Yun bang mag-drodrowing ka ng bilog at isa pang bilog sa gitna dun sa kalsada o sa iskenita na pinaglalaruan niyo at kung saan magpapatagalan kayo ng iyong mga kalaro sa pagpapaikot ng trumpo ninyo, at kung sino man ang siyang unang sumuko ay malalagay sa 'inner circle' ang kanyang trumpo at siya ang 'taya'.

Ang rule dito ay dapat matamaan ang trumpo ng taya, at dapat ay ito'y maalis sa bilog at dapat ay makuha ng taya ang trumpo ng naka-tanggal dun sa inner circle. Kung hinde, konyat ang katapat nito sa sinomang di mapalad na mataya. At kapag ito naman ay nakuha ay sure na matataya ang nakapagtanggal dito.

Maraming versions ang laro na ito, nandiyan yung sisipaain mo yung trumpo mo kapag di ito natamaan at kukuhain mo yung trumpo ng kalaban para siya ang mataya.

Sa paglipas ng panahon, nawawala na ba ang mga larong pambata na ito? nasaan na ba ito? dahil ba sa teknolohiya kaya ba ito wala na o di kaya kakaunti na lang ang naglalaro nito? Naalala ko pa dati na pinipinturahan pa namin ang aming mga trumpo at/o di kaya'y nilalagyan ng thumbtacks ang ulo nito upang di ito ma-konyatan, at naalala ko pa na pinipili pa talaga namin ang 'de-kalidad' na trumpo, masigurado lamang ang matulin at matinis na pagikot nito sa lupa, pinipili pa namin ang tsate (chate), ito ay ang lubid na ginagamit upang mapaikot ang trumpo. At pinipili pa namin ang tansan na talagang sasakto sa lubid.

Naalala ko pa, dahil si mama ay di kami pinapayagang maglaro nito (sa pagkakatanda ko) at ito'y aking pinupuslit lamang at tinatago sa mga kabinet sa bahay. Naalala ko pa rin noon na ako at kasama ang aking mga kalaro na pumunta dun sa bilihan ng trumpo sa may 'taas' at dun ay sinasala naming mabuti ang 'de-kalidad' sa bulok na trumpo.

=======================================

Ito ang pinaka-una kong post para sa blog na ito. sana ay may mai-ambag din kayo. haha. salamat.