sa aking pagkabata

may mga panahon na ninanais nating balikan ang ating nakaraan, ang ating pagkabata.

Tuesday, July 15, 2008

Aba.

Namimiss ko na kayo. Dahil ako'y nagbabasa ulit ngayon, nais kong malaman kung anu-ano ang mga binabasa niyo dati. Hahaha.

Ako:

Dictionary. Hahaha.

Bible. Labo ba? Oo nga, e.

Libro tungkol sa archaeopteryx. Ano raw? Hahaha. Oo, kamag-anak ng T-rex! ((:

Libro ng Ate ko na may mga letra ngunit sabi niya Math daw 'yun. Algebra pala. Wow. Kahit dati pa, alam ko nang hindi ko ito magugustuhan. ((:

At kung anu-anong nobela ng katulong namin. Oo, 'yung Filipino. LMAO.

Kayo, ano?

Saturday, July 5, 2008

Ee

Ee

Tuesday, July 1, 2008

Anong tawag sa inyo nung bata kayo?

Ako si:

Taba.
Shobe.
Baby.
Shobs.
Kalileng. (Napapamura ako. &*#%@$. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.)

Sunday, June 22, 2008

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin



Pangpakonsensya lang. =D


Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish

Baliuag, Bulacan


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o
nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.


Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang
sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't
hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay
at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...



takot aku..

takot ako noon..

-sa mga statwa ni jesus at ng mga santo (napapanginipan ko ang holy week at napapraning ako dahil mayroong parada ng higanteng mga statwa ng mga santo)

-kay mang ben, asawa s'ya ni aling nory, ang may pinakamalaking sari sari store noon dito sa ateros, wala naman sakin ginagawa si mang ben nagbibiro lang s'ya na kukunin n'ya ang baby namin (si kiko) basta tuwing s'ya ang kahero kapag bumili kami nagtatago ako sa ilalim ng counter

-sa aswang, di ko alam kung bakit, siguro dahil sa mga kwento ng mga kasambahay namin noon.. (yung isang kasambahay namin pinaiyak pa ng ate ko, dahil napabalitang may isang barko ng mga aswang na galing bisayas, kala namin aswang s'ya)

-kay boogyman.. sabi ni ate nagtatago daw yun sa loob ng cabinet..

-sa dilim kahit kaila'y di ako natulog na patay ang ilaw

-magpagupit dahil sa nasaktan ako kapag ginugupitan (weird)

-na paliguan ng erpats ko dahil nilalamutak ang mukha ko kapag hinihilamusan

Ikaw? san ka takot?

Saturday, June 21, 2008

Cariton Network.... este Cartoon Network




I grew up watching Cartoon Network every morning, every afternoon, every night!!! Hahaha. I totally miss these shows. As far as I can remember, these are the shows that really glued my eyes on the screen. I even remember drawing 'em and compiling all of my sketches into a few albums.

Remember 'em?!



AUGIE DOGGIE & DOGGIE DADDY



CAPTAIN PLANET



COURAGE THE COWARDLY DOG



COW AND CHICKEN



DEXTER'S LABORATORY



DROOPY



ED, EDD & EDDY



GOOBER AND THE GHOST CHASERS



HUCKLEBERRY HOUND



I AM WEASEL



JOHNNY BRAVO



JONNY QUEST



JOSIE AND THE PUSSYCATS



LITTLE LULU



LOONEY TUNES



WACKY RACES - PENELOPE PITSTOP



WACKY RACES - SLAG BROTHERS



WACKY RACES - PROFESSOR PAT



QUICK DRAW MCGRAW

RICHIE RICH



SCOOBY DOO WHERE ARE YOU? / SCOOBY DOO & SCRAPPY DOO



SNAGGLEPUSS



SPIKE AND TYKE



THE FLINSTONES



THE JETSONS



TIMELESS TALES



TOM AND JERRY




TOM AND JERRY KIDS SHOW



WALLY GATOR



YOGI BEAR


THE ADDAMS FAMILY



ATOM ANT



TOP CAT



SPACE GHOST



PIXIE AND DIXIE



SECRET SQUIRREL



DASTARDLY AND MUTTLEY



POPEYE THE SAILOR MAN


Hindi lang to basta ordinaryong karton.

Nabasa ko ang mag kwento ni Benchie tungkol sa text cards, o sa mas malutong na pagbigkas na TEKS, at nais ko ring magbahagi ng kwento ko tungkol dito.



Kailan nga ba nagsimula yung mga teks teks na iyan?! Naalala ko nung mga panahong laman ako ng kalsada tuwing hapon, noong mga panahong hindi ko napapansin ang takbo ng oras sampu ng aking mga kalaro dahil sa paglalaro ng tagu-taguan, patintero, football, basketball, tumbang preso, baseball, pati pangangapit bahay, ay isang araw ay naipakilala sakin tong mga kartong to na puro larawan ni Eugene, Alfred, Vincent at Dennis. 6 hanggang 7 anyos pa ata ako noon, hindi na ako sigurado. Niyaya ako ng mga kalaro ko maglaro ng TEKS. Dahil wala akong alam doon, sabi ko manonood na lang ako. Tatlo silang kalaro ko, na mukhang eksperto na dun. Ano bang malay ko doon. Naaliw lang ako sa mga pagbibilang nilang i-sa, dalawa, tat-lo.. cha at pagpitik at paghagis ng mga cards. Aaah ganon pala yun, sabi ko sa aking sarili. Yung mga cards nga palang iyon ay tulad rin pala ng mga naipon ko na ng nakaraan. Sabi ko, "meron din akong mga yan!!!" Pinapanlaro pala iyon, na akala ko'y pang koleksyon lamang. Ang dami ko atang nakolekta sa mga lumipas na buwan o taon mula nung insidenteng iyon. Kilala ko na si Zenki, si Blue Blink, si Ultraman, maging si Sailormoon na noon ay pakiramdam ko na ako si Tuxedo Mask. Haha. Lahat ata ng nausong cartoons eh nalalagay sa mga cards. Masasabi ko ring marami-rami din yung naipon kong iyon. Inakala kong maiipon at matatago ko ang pinakamamahal kong koleksyong iyon. Pero nagkamali rin pala ako.

BOBO!

Yun ang sinabi ko. Pero bago pa man ako mauna sa kwento ko, itutuloy ko na ang sinasalaysay ko kanina. Pagtapos kong malaman na ganoon pala laruin ang mga teks na yan, aba eto si yabang, sumali naman! "Ilabas mo yang cards mo! Patingin kami" sabi sakin ni Ungas#1. E di nilabas ko. Namangha naman ang mga Ungas sa dami ng koleksyon kong malutong at makintab pa, kumpara sa kanila na mga kakarampot na nga lang eh lukot at mabantot pa. "Sasali ka ba?" tanong ni Ungas#2,"walang sisihan ah!" Pumayag ako agad at sa isip ko, ano naman ang kailangang pagsisihan dun.

Ayun. naglaro kami. Eto naming si yabang nakisali pero hindi naman pala talaga marunong. Sa madaling salita, natalo ako; naubos ang koleksyon ko; nakuha ng mga ungas; inangkin na ng mga ungas; inabuso ako ng mga ungas.

BOBO!

Ayun ang sinabi ko. "Ganoon talaga ang laro! Ayos lang yan." sabi ni Ungas#3.

Hindi ko na alam kung kanino na napunta si Ultraman, si Blue Blink, si Zenki, maging si Tuxedo Mask. Meron pa atang teks cards ang Tamagochi nun pati si Chabelita. Haha. Sobrang banas na banas ako nun at nanghihinayang. Hindi naman ako naiyak dahil naubos ang cards ko at napunta sa kamay ng mga ungas pero masama loob ko at gusto kong maghiganti. Doon ko naramdaman ang ibig sabihin ng "Babangon ako't dudurugin kita".



Makalipas ang isang taon. Bakasyon na namang muli. At panahon na upang maghiganti.




"ERIK!!! LARO ULIT TAYO!!!" niyaya ako ng mga ungas.


"Sige." sagot ko, na may ngisi sa mga labi.


Nalula sila sa koleksyon ko ng NBA Cards na isang album at sa DBest 1 - Dbest 8000 ng Ghost Fighter Yu Yu Hakusho ko na inabot ng 3 albums. Hindi pa kasama dun ang iba pang editions dahil naubusan ako ng pambili ng text album.

"WOW ANG DAMI NAMAN NIYAN"sabay himas ng isa ang ungas.

"Well, koleksyon lang 'to. Hindi pa ito yung gagamitin kong panlaban sa inyo."

Nilabas ko ang isang supot ng mga duplicate ng mga koleksyon ko na dumami din dahil sa pamimigay ng mga kaklase ko sa eskwela. Kahit kami sa eskwela, adik din sa pangongolekta at pakikipaglaro ng teks, pero di rin nagtagal ay pinatigil ng eskwelahan ang paglalaro nito sa loob ng paaralan.

"O ano, laban na?" niyaya ko sila.

Ayun. Naglaban kami. At marami na rin akong panalo. Nasingil ko rin ang mga teks na binawi nila sakin.

Sabi na eh, nadurog ko rin sila isa-isa.

Lukot na nga ang lahat ng mga teks nila, pero ang sakin, mananatiling makintab at malutong, dahil aalagaan ko ito at itatago hanggang pagtanda ko. Dumami pa nga ito eh. Nang lumabas ang Fushigi Yuugi, Flame of Recca, lalong lalo na ang walang kamatayang Pokemon.

Ngayong malaki na ako, nakatago pa rin sa mga kagamitan ko tong mga teks na to. Naghihintay muling buksan ko ulit sila at masdan ang mga larawang dala-dala ng mga ito. Pero sabi ko, saka na, kapag nakabili na ako ng maganda-gandang album, i-wawagayway ko kayong lahat para buong mundo'y makita kayo.

Balita ko naman ngayon sa kapatid ko, iba na ang mga teks na nauso. Mas maliit. Mas pangit ang pagkaimprenta. At anu ba naman ang laman - Mulawin, Darna, Kamandag, Joaquin Bordado?!?! Hahaha. Hayaan na lang natin ang mga iyan sa bagong henerasyon. Basta ang teks na kinalakhan natin nuon, ay hindi lang basta mga ordinaryong karton.

Friday, June 20, 2008

Naniniwala ka ba kina Julio at Julia?

Hahaha. Paborito ko sila. Ang drama ng istorya, 'di ba? Kayo? Anong mga paborito niyo?

Kasama sa listahan ko ang:
Blue Blink
Time Travel
Super Boink
SAILOR MOON. (x
Georgie <-'Yung malanding bata.
Marco <- GMA 'to. Hahaha.

Thursday, June 19, 2008

Usyoserong bata

Siguro hindi mabubuo ang kabataan ko kung wala si Angel.

At alam kong hindi rin mabubuo ang kabataan ko kung wala ang mga kalikutan at katarantaduhang pinaggagagawa naming dalawa. Tulad ng panahong yon noong naglilingkod pa sa amin si Ate Beng, ang katulong naming klepto na nagkaroon ng labing anim na boyfriend. Sabi nya. Meron din siyang karibal sa paramihan ng boyfriend, si Ate Rona. Kaya walang nagtataka kung bakit laging nagtatarayan yung dalawang yun, palibhasa pareho sila ng ugali. (pero sa totoo lang, mas mabait si Ate Rona :3)

Laging wala si mama, at dahil madalas akong mag-isa, lagi akong tumatambay sa quarters ng mga ateng nag-aalaga sakin. Pag nagsawa ako sa kakadaldal, pagyayabang at pagtatalo ni Ate Beng at Ate Rona, sinusundo ako ni Angel. Hay salamat, sasabihin ko sa sarili ko. Ang dami ko nang utang dito sa bespren ko. Tapos maglalakad kami ng dalawang kanto para pumunta at maglaro sa malaking bakuran ng tita ko kung saan naghihintay sina Mary Anne, Hazel at Michael (ang una kong barkada).

Ayun, noong isang beses na nagkasundo ulit kaming magkita kita, nang puntahan nya ako, nakita nyang nagbabasa ako ng mga pribadong sulat ni Ate Beng. Eh kasi naman nakalapag lang sa kamang inuupuan ko nung oras na yun. At siyempre, dahil mga bata pa kami noon, malamang usyosero kami sa mga ganoong bagay. Natatawa nalang kami sa mga pinagsusulat nitong si Ate Beng (oo nga pala, yung sulat para dun sa ka love triangle nya kay Ate Rona, yung boy nila Tito John, si DonDon.) ; hindi ko na maalala lahat, pero meron siyang sinabi na may plano siyang lumayas dahil gusto na daw siyang pakasalan ng kasalukuyan nyang boyfriend na pulis. Meron din siyang nabanggit tungkol sa kakapalan ng mukha noong gagong Ronang yun, ang feeling nya, na mas marami pa daw ang mga lalaki kaysa kanya.

Ang lakas yata ng mga halakhak namin ni Angel habang pinaguusapan namin. Mamayang konti lumabas sa kwarto nya si Ate Rona. Hala mukang galit. Bahala sila, basta maglalaro muna kami.

Paghatid sa akin ni Angel sa bahay, aba'y nagsasabunutan na ang dalawa at may namamagitang lalake galing sa barangay.

Haaayy Anghel miss na kita.

Ang Dede Ko

Sabi ni Bench mag-post daw ako.

Nung ako ay bata pa sabi ng yaya ko maldita daw ako. Siya ang dumidisiplina sa amin pero parang sa akin lang ata. Hindi ako nakakatikim nang palo sa magulang ko pero sa kanya OO.

Isa sa hindi ko makakalimutang pangyayari ay noong nanghihingi ako sa kanya ng "dede"--
Dede, isang bagay na maihahambing natin sa walang kwentang kupal na x boyfriend. Sa umpisa, sarap na sarap tayo. Hindi natin maiwan iwan. Ngunit pag ito ay nagamit na natin at nahuthut na ang lahat sa kanya, magsasawa din tayo.

Anim na taong gulang na ata ako nun. Sabik na sabik na ang aking dila na makatikim ng gatas. Uhaw na sa tamis at lagkit nito. Abang na abang na ako sa aking pagkahiga para bago ako tuluyang mahimbing sa aking pag tulog ay dumaloy man lang sa dila ko ang mapuputing gatas.


Ngunit, nang unti-unti ko nang ipinasok sa akin nasasabik na bibig ang ulo ng tsupon, bigla akong may naramdaman na hindi kaaya-aya. Isang pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Inaamin ko, hindi masarap. Hindi masarap pala ang pakiramdam. Medyu mahapdi---

sa dila.

Nilagyan niya pala ng sili ang dede ko.